<body> Running inside my brain Haiiii-yaaa! Wanna fight with me? My minions

Brought to you by tnomeralc web design toys

Hello! Welcome to my domain!
Remember to always keep an open mind.
To navigate, click the warning signs. Hope you enjoy the blog.




GABAY SONG

Ika'y bata noon, naghahanap nagtatanong
Nangangambang tumugon, sa tawag ng Panginoon
Na ang sarili'y limutin, ang kapwa'y mahalin
Manalig ka pagka't handa akong sumama


Koro:


Gagabayan kita.
Masugatan ka man,
Pagtubo'y sadyang ganyan.
Magtiwala ka't di ka pababayaan.


Sa pagtubo mo, 'di lubusang matatanto sa kapatirang ito,
Yaman ng sarili mo'y matatamasa
Sa kapwang binigyang halaga.
Isang tanda na may Amang kumakalinga.


Koro 2:


Gagabayan ka Niya.
Masugatan ka man,
Pagtubo'y sadyang ganyan.
Magtiwala ka't di ka pababayaan.


Coda:


Di ba't sa ating kapatiran,
Di mo maaring kalimutan?
Ngunit kahit sa magkakaibigan,
Mayroon ding umaalis, mayro'ng naiiwan.


Sa paglisan mo,
Ihahandog ko sa 'yo, mga bakas na ito
Mga tanda ng ating pagtataya ng sarili, sa kapwa't sa mundo,
Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay,
Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay,
Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay mo.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.